Kultura ng Ifugao Dapat Pahalagahan ng mga Kasalukuyang Henerasyon – Lone District of Ifugao Rep. Teddy Baguilat Jr.
Bukod sa pagkasira ng rice terraces isa rin sa kinakaharap nilang problema ay ang paglimot ng mga kabataan sa Ifugao sa kanilang kultura.
Ito ang naging pahayag ni Lone District of Ifugao Rep. Teddy Baguilat Jr. sa programang Usapang Tapat ni Manong Nick ng Bandilyo.ph.
Ayon kay Baguilat, mas pinipili ng mga kabataan na lisanin ang kanilang bayan kaysa pahalagahan ang kanilang kultura.
“Isang malaking dahilan rin kung bakit nakakalimutan na o bakit hindi masyado inaalagaan ‘yung rice terraces ay ‘yung lack of appreciation ng mga kabataan dun sa kanilang kultura kasi the rice terraces built around socio-cultural foundations ng mga Ifugao andami na rin kasi Manong Nick na lumilisan na mga kabataan eh,” sabi ni Rep. Baguilat.
Dagdag pa ng Representative ng Lone District of Ifugao na hindi nila pinagbabawalan na pumunta na umalis ang mga kabataan sa kanilang bayan. Aniya, dahil na rin sa hirap ng buhay kaya humahanap sila ng ibang paraan upang magkaroon ng mas malaking pagkakakitaan.
“Hindi naman natin pinagbabawalan na dumayo sila sa ibang lugar kasi ganon naman talaga ang gusto ng kabataan bayan pera and talagang inaamin ko kung maiiwan ka sa rice terraces hindi ka gaanong yayaman,” saad ni Rep. Baguilat.
Sinabi naman ng Senatorial Aspirant na dapat ay mayroon man lang maiwan sa kanilang ancestral heritage upang mapangalagaan ito. Aniya, hindi talaga maiiwasan ang ganitong sitwasyon dahil ito ang gusto ng kasalukuyang henerasyon.