News

Traditional Jeepney Phase Out, tinutulan ni Konsehal Manong Nick Pedro Jr.

Mainit ngayong usapin at pinagtatalunan ang Jeepney Modernization kung saan planong i-phase out ang mga traditional jeepney at palitan ng modernize jeepney na mas nalalapit ang itsura sa bus o mini bus.

Layunin daw nito na higit na gawing ligtas, kumportable at ekonomikal para sa mga commuters.

Sa isang privilege speech sa Sangguniang Panlungsod kanina, sinabi ni Konsehal Manong Nick Pedro Jr. na sa kanyang opinion ay hindi tamang i-phase out ang mga traditional jeepney.

Ayon pa sa Konsehal na maaari namang may modernisasyon kahit sa tradisyunal na itsura ng jeepney.

“Puwede namang may modernisasyon kahit sa tradisyunal na istsura ng dyipni natin, palakihin ng bahagya para mapadami ang pasahero, i-aircon at lagyan ng kailangang pasilidad para sa safety at comfort.”

Dagdag pa ni Konsehal Manong Nick na hindi pagpapahirap sa sistema o pananakot sa sector para sumunod sa isang programa na ang tanging mapapaburan ay ang malalaking negosyante.

“Hindi pagpapahirap sa sistema o pananakot sa sector para basta sumunod sa isang programang ang tanging mapapaburan lamang ay ang malalaking negosyante sa industriya ng sasakyan at ng public transportation.”

Mensahe naman ng nasabing Konsehal na ang programa sa modernisasyon ay maaaring maging patas kung maisasaayos ang sistema at patakaran nito.

“Huwag sanang malimutang pang araw-araw na kabuhayan ng higit na maliliit sa jeepney sector ang nakataya. Ang programa sa modernisasyon ay pwede rin namang maging makatao, makabansa at maka-Pilipino kung iaayos lang ang mga sistema at patakaran para dito.”

Pin It on Pinterest