News

Unang kolehiyo sa San Francisco, Quezon pinasinayaan

Pormal nang pinasinayaan nitong Biyernes ang San Francisco Municipal College (SFMC) sa bayan ng San Francisco, Quezon.

Makasaysayan ang pagbubukas nito dahil ito ang kauna-unahang kolehiyo sa nasabing bayan.

Ayon kay San Francisco Mayor Romulo Edaño Sr., ang pagtatayo ng naturang paaralan ay isang katuparan sa kanilang pangarap. Hangad umano ng pamahalaang lokal na maihatid ang kalidad na edukasyon sa lahat ng kanilang mamamayan.

Ayon kay Dr. Pinky Mariel Mangaya, school administrator ng SFMC, tatlong kurso ang bubuksan sa paaralan alinsunod sa patakaran ng CHED. Kabilang dito ang Bachelor of Science in Technical Vocational Teacher Education, BS Entrepreneurship at BS Tourism Management.

Sinabi naman ni San Francisco Municipal Administrator Jeff Panopio Jumarang, maglalaan ang lokal na pamahalaan ng 200 slots para sa iskolar na bayan mula sa mahihirap na pamilya para sa unang taon SFMC. Sasagutin umano ng LGU ang mga bayarin ng bawat iskolar maliban lamang sa miscellaneous fees.

Pin It on Pinterest