Chocolate Drinks at Impormasyong Pagkaligtasan ibinahagi ng React Philippines, Paglutas Group sa isang Paaralan
Sa harap ng mga magulang, mga guro at iba pang stakeholder sa isinagawang General Assemmbly at 2nd Quarter Card Giving ng Lucena City National High School Ilayang Dupay Extension ibinahagi ng React Philippines, Paglutas Group na isa sa mga stakeholder ng paraalan ang mga mahahalagang impormasyon pangkaligtasan na importanteng alam ng publiko.
Layun nitong mapalawak ang kamalayan ng mamamayan hinggil sa mga dapat gawin at paghahanda sa ano mang panganib gaya ng sakuna at iba pa.
Ang React Philippines, Paglutas Group ay isang radio communication enthusiasts o grupo na boluntaryong nagbibigay ng iba’t ibang serbisyo.
Ang React Paglutas Group ay nakabse sa Taybas City.
Sa nasabing aktibidad ng paaralan ay aktibo ding dumalo ang mga magulang, Stakeholder kung saan iniulat ni Dr. Fermela V. Calvario (School Head) ng LCNHS Ilayang Dupay Extension sa mga magulangin ang mahahalagang impormasyon kaugnay sa estado ng edukasyon at kalusugan ng mga mag-aaral sa loob ng ikalawang markahan.
Naglahad din ang School Parents and Teachers Association (SPTA) ng isang proyekto na naglalayong mabigyan ng TV ang bawat silid-aralan upang magamit sa mabilis at makabuluhang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Sa naturang General Assembly namahagi rin ang React Philippines, Paglutas Group ng mga chocolate-flavored malted powder product para naman sa mga mag-aaral upang mapatatag ang katawan at isip ng mga bata.
Ang mga mag-aaral sa naturang paaralan ay binubuo ng mga estudyante mula sa Lucena at Tayabas City.