Opisyal na paglulunsad ng Q1k Program ng pamahalaang panlalawigan isinagawa
Tagumpay na isinagawa kahapon, Agosto 21, ang malawakang paglulunsad ng ipinagmamalaking programa ng lalawigan ng Quezon, ang Quezon’s First 1,000 Days of Life o Q1K na dinaluhan ng nasa walong libong health workers mula sa iba’t-ibang bayan at distrito ng lalawigan. Pinangunahan ni Gov. David Suarez okasyon na dinaluhan din nila ALONA Partylist Representative Anna V. Suarez, Vice Gov. Samuel Nantes, mga mayors, board members, ilang kawani ng lokal at panlalawigang pamahalaan at panauhing tagapagsalita na si Senator Grace Poe.
Sa pambungad na pananalita, nagpasalamat si Suarez sa patuloy na sumusuporta sa programa at mga nagsidalo upang saksihan ang opisyal na paglulunsad ng programang personal nitong pinaglaanan ng panahon upang mas bigyang pansin ang kaunlaran ng kanyang mga kababayan. Tinalakay sa programa ang kahalagahan ng implementasyon ng Q1K sa lalawigan, gender issues sa maternal care, pag-aalaga ng magulang para sa unang isang libong araw na buhay ng bata, best practice ng Q1K at pagbibigay ng parangal at pagkilala sa mga best implementers ng programa sa kani-kanilang bayan.